Pang-abay ba ang salitang hanggan? Hindi, pwera nalang kung itoy "hanggang" kung saan ito ay pang abay na pamamaraan. Uri ng Pang-abay Pamanahon Ang pang-abay na pamanahon ay nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa. Mayroon itong tatlong uri: may pananda, walang pananda, at nagsasaad ng dalas. Halimbawa ng may pananda ang nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa, at hanggang. Halimbawa ng pangungusap na may pang-abay na pamanahon na mayroong pananda ang "Kailangan mo bang pumasok nang araw-araw?". Ang walang pananda ay mayroong mga salitang katulad ng kahapon, kanina, kanina, ngayon, mamaya, bukas, sandali, at iba pa. Halimbawa ng pangungusap na may pang-abay na pamanahon na walang pananda ang "Manonood kami bukas ng pambansang pagtatanghal ng dulang Pilipino." Ang pang-abay na pamanahon na nagsasaad ng dalas ay mayroong mga salitang katulad ng araw-araw, tuwing umaga, taun-taon, at iba pa. Isang hal