Ang Mga Pasakit Ni Florante Buod

Ang mga pasakit ni florante buod

Ang buhay ni Florante ay ubod sa napakadaming pagdurusa, pinag-iisahan at pinaglilinlangan. Sa dami ng mga pagsubok na dumating sa buhay ni Florante ay kaya niya itong harapin, pero may isang nakakapagbigay lakas sa kanya na pwede ding pinakasanhi ng kanyang kahinaan, kalungkutan at kapighatian.  

Ang pagsisikap ni Florante na gawin ang mga bagay na kaaya-aya kay Laura dahil hangad nito na maging masaya si Laura kanya. Ang tanging nakakapagbigay lakas ni Florante ang pag-ibig ni Laura sa kanya. Nang malaman ni Florante na patay na ang Haring kanyang pinaglilingkuran at kasama pa nito ang kanyang ama ay napakasakit nito para sa kanya pero hindi pa siya nanghihina ng sobra nito.

Pero iba ang kay Laura nung nalaman niyang ikakasal na ito kay Konde Adolfo at sa pagkaakalang nagtaksil na sa kanya si Laura ay nanghihina at naghihinagpis siya ng sobra nito na para bang wala ng pag-asa sa mundo at nag-iisip na sanay di na siya iniluwal ng kanyang ina.  

Maraming naiinggit kay Florante at nagtataksil sa kanya. Kahit ginagawa ni Florante ang makakabuti sa lahat ay sa kabila nito siya pa din ang napapahamak na tila bang wala na siyang pag-asang lumigaya sa buhay.

Pero sa kabila naman ng mga pagsubok ni Florante dahil nananalig siya  sa Diyos, at yun naman ay napagtagumpayan niya ang lahat ng bagay.

Aral

Sa kabila ng mga pagsubok sa buhay ay kailangan lang ang lakas na loob na manalig sa Poong maykapal na si Jehova upang mapatnubayan tayo sa hustong landas sa buhay. Walang pagsisihan ang taong taos pusong manalig sa kanya dahil siya lang ang tanging makapagbibigay lakas sa tao dahil siya lang ang tanging nagmamay-ari ng sangkatauhan.


Comments

Popular posts from this blog

Bakit Mahalaga Ang Isyu Sa Chinese Vessel

Solusyon Sa Kabanata 20 El Filibusterismo