Pang-Abay Ba Ang Salitang Hanggan?

Pang-abay ba ang salitang hanggan?

Hindi, pwera nalang kung itoy "hanggang" kung saan ito ay pang abay na pamamaraan.

Uri ng Pang-abay

Pamanahon

Ang pang-abay na pamanahon ay nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa. Mayroon itong tatlong uri: may pananda, walang pananda, at nagsasaad ng dalas. Halimbawa ng may pananda ang nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa, at hanggang. Halimbawa ng pangungusap na may pang-abay na pamanahon na mayroong pananda ang "Kailangan mo bang pumasok nang araw-araw?". Ang walang pananda ay mayroong mga salitang katulad ng kahapon, kanina, kanina, ngayon, mamaya, bukas, sandali, at iba pa. Halimbawa ng pangungusap na may pang-abay na pamanahon na walang pananda ang "Manonood kami bukas ng pambansang pagtatanghal ng dulang Pilipino." Ang pang-abay na pamanahon na nagsasaad ng dalas ay mayroong mga salitang katulad ng araw-araw, tuwing umaga, taun-taon, at iba pa. Isang halimbawa ng paggamit na ganito ang "Tuwing buwan ng Mayo ay nagdaraos kami sa aming pook ng santakrusan." Ito ay ang pinakamadali na pang-abay.

Panlunan

Ang pang-abay na panlunan ay isang uri ng pang-abay na nagsasaad ng lugar kung saan naganap ang pangyayari. Samakatuwid, ito ay nagsasabi kung saan ginawa, ginagawa, at gagawin ang kilos sa pangungusap; sa ibang pananalita ay tumutukoy ito sa pook na pinangyarihan, o pangyayarihan ng kilos sa pandiwa. Halimbawa nito ang "Nagpunta sa lalawigan ang mag-anak upang dalawin ang kanilang mga kamag-anak."3 Karaniwan ding ginagamit sa pangungusap na mayroong pang-abay na panlunan ang mga pariralang sa, kina o kay. Ginagamit ang sa kapag ang kasunod ay isang pangngalang pambalana o isang panghalip. Samantala, ginagamit naman ang kay at kina kapag ang kasunod ay pangngalang pantangi na pangalan ng isang tao. Halimbawa nito Halimbawa na ang mga pangungusap na "Maraming masasarap na ulam ang itinitinda sa kantina." at ang "Nagpaluto ako kina Aling Inggay ng masarap na mamon para sa kaarawan.

Pamaraan

Ang pang-abay na pamaraan ay ang pang-abay na naglalarawan kung paano naganap, nagaganap, o magaganap ang kilos na ipinahahayag ng pandiwa. Ginagamit sa ganitong uri ng pang-abay ang mga panandang nang, na, at -ng. Halimbawa nito ay magaling, mabilis, maaga, masipag, mabait, atbp. Halimbawa sa paggamit nito ang pangungusap "Sinakal niya ako nang mahigpit", "Mahusay bumigkas ng tula ang batang si Boy".

Pang-agam

Ang pang-abay na pang-agam ay ang pang-abay na nagbabadya ng hindi o kawalan ng katiyakan sa pagganap sa kilos ng pandiwa. Ginagamit sa pangungusap ang mga pariralang marahil, siguro, tila, baka, wari, parang, at iba pa. Halimbawa ng paggamit nito ang pangungusap na "Marami na marahil ang nakabalita tungkol sa pasya ng Sandiganbayan."

Panang-ayon

Ang pang-abay na panang-ayon ay nagsasaad ng pagsang-ayon. Ginagamit dito ang mga salitang oo, opo, tunay, sadya, talaga,syempre at iba pang halimbawa. Halimbawa ay "Talagang mabilis ang pag-unlad ng bayan."

Pananggi

Ang pang-abay na pananggi ay ang pang-abay na nagsasaad ng pagtanggi o pagtutol. Nilalagyan ito ng mga pariralang katulad ng hindi, di at ayaw. Halimbawang pangungusap para rito ang "Hindi pa lubusang nagamot ang kanser.". "Hindi ako papayag sa iyong desisyon".

Panggaano o pampanukat

Ang pang-abay na panggaano o pang-abay na pampanukat ay nagsasaad ng timbang, bigat, o sukat. Sumasagot ang pang-abay na panggaano sa tanong na gaano o magkano ang halaga. Halimbawang pangungusap para rito ang "Tumaba ako nang limang libra."

Pamitagan

Ang pang-abay na pamitagan ay ang pang-abay na nagsasaad ng paggalang. Halimbawang pangungusap para sa pang-abay na ito ang "Kailan po ba kayo uuwi sa lalawigan ninyo?"

Panulad

Ang pang-abay na panulad ay ginagamit sa pagtutulad ng dalawang mga bagay. Halimbawa ng paggamit nito ang pangungusap na "Higit na magaling sumayaw si Armando kaysa kay Cristito."


Comments

Popular posts from this blog

Solusyon Sa Kabanata 20 El Filibusterismo

Bakit Mahalaga Ang Isyu Sa Chinese Vessel