Ano Ang Natutunan Nyo Sa Ppmb O Personal Na Pahayag Ng Misyon Sa Buhay?

Ano Ang natutunan nyo sa ppmb o personal na pahayag Ng misyon sa buhay?

Ano ang mga maaaring matutunan sa paggawa ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay?

Napakaraming mga natututunan sa paggawa ng "PPMB". Ngunit bago natin alamin ang mga kasagutan ay marapat muna na alamin natin kung ano ba ang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay.

Ano nga ba ang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay?

Ang personal na layunin sa buhay o Personal Mission Statement sa Ingles ay tinatawag ding personal na pahayag ng misyon sa buhay. Ito ay lubos na makakatulong upang ating maabot ang ating pangarap sa buhay. Ito rin ay isa sa mga hakbang sa pagtupad ng mithiin. Para sa dagdag na kaalaman ukol sa kahulugan ng personal na pahayag ng layunin sa buhay, maaaring sumangguni sa pahinang ito: brainly.ph/question/302525

Paano sumulat ng sariling Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay?

Narito ang apat na paraan sa pagsulat ng personal mission statement ayon kay Sean Covey:

  1. Mangolekta ng mga kasabihan o motto. - Pumili ng mga kasabihan na sumasalamin sa iyong mga pagpapahalaga at prayoridad sa buhay.
  2. Gamitin ang paraang tinatawag na "Brain Dump". - Isulat nang tuluy-tuloy sa loob ng 15 minuto ang iyong layunin sa buhay. Huwag munang itama ang mga mali. Pagkalipas ng 15 minuto, maaari mo nang ayusin ang pagsulat nito.
  3. Magpahinga o maglaan ng oras sa pag-iisip. - Pumunta sa isang lugar na maaari kang mapag-isa at doon pagnilayan ang iyong isusulat ukol sa personal na misyon sa buhay.
  4. Huwag labis na alalahanin ang pagsulat nito. - HIndi kailangan na perpekto ang iyong isinulat. Ang mahalaga ay ito ay iyong itinanim sa puso at isip.

Sa paggawa ng PPMB, ang tao ay matuto na maging responsable sa kanyang mga aksiyon at desisyon. Ito ang magsisilbing gabay sa tao upang maabot ang kanyang pangarap o mithiin sa buhay. Matututunan din ng tao na maging mapanagutan sa kanyang mga pasya. Ito ay magbibigay ng inspirasyon sa tao na gumawa ng tama at mabuti sa araw-araw.

Narito ang ilan sa mga halimbawa ng personal na pahayag ng misyon sa buhay. Ang iba ay personal na misyon sa buhay bilang anak. Para makita ang mga ito, marapat na pumunta sa mga pahinang ito: brainly.ph/question/582850

brainly.ph/question/351463


Comments

Popular posts from this blog

Bakit Mahalaga Ang Isyu Sa Chinese Vessel

Solusyon Sa Kabanata 20 El Filibusterismo