Ano Ang Mga Mahahalagang Pangyayari Sa Kabanata 44

Ano ang mga mahahalagang pangyayari sa kabanata 44

Noli Me Tangere

Kabanata 44: Pagsusuri sa Budhi

Mahahalagang Pangyayari:

1. Nagkasakit si Maria Clara matapos na mangumpisal. Habang siya ay nagdedeliryo, tinatawag niya ang pangalan ng kanyang ina na si Donya Pia Alba.

2. Nagpamisa si kapitan Tiyago sa paniniwala na makatutulong ito sa mabilis na paggaling ni Maria Clara. Nangako din siya na magbibigay ng tungkod na ginto sa birhen ng Antipolo.

3. Nakatakda na ang paglipat ni Padre Damaso sa Tayabas. Malungkot man at mapapalayo kay Maria Clara ay natuwa narin ito ng malaman na hindi nakapag usap si Maria Clara at Ibarra sapagkat para sa kanya ito ang naging sanhi ng mabilis na paggaling ng dalaga, ang malayo lay Ibarra.

4. Sinalungat ni Donya Victorina ang sinabi ni Padre Damaso at sinabing ang kanyang asawa ang siyang totoong nakapagpagaling sa dalaga.

5. Ibinida naman ng kura na ang naging lunas sa sakit ni Maria Clara ay ang kumpisal na ginawa nito kaya naman minungkahi niya na ulitin ito sa gabing iyon.

6. Muling nangumpisal si Maria Clara kay Padre Salvi ngunit nahalata ni Tiya Isabel na hindi nakikinig ang pari sa kumpisal ni Maria Clara bagkus ay may kung anong naglalaro sa isip nito na dahilan ng pagiging balisa nito ng lumabas sa kumpisalan.

Read more on

brainly.ph/question/2143330

brainly.ph/question/2124946

brainly.ph/question/138044


Comments

Popular posts from this blog

Bakit Mahalaga Ang Isyu Sa Chinese Vessel

Solusyon Sa Kabanata 20 El Filibusterismo